What's Hot

Ogie Alcasid and Regine Velasquez-Alcasid, sang-ayon ba sa pag-spoil kay Nate?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 2, 2020 12:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD warns vs fake online surveys promising rewards from DSWD
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News



Ano ang stand ng mag-asawa when it comes to spoiling their child, Nate?


By ANN CHARMAINE AQUINO

 

A photo posted by reginevalcasid (@reginevalcasid) on


Last Saturday (January 2) sa Sarap Diva, ibinahagi nina Ogie Alcasid and Regine Velasquez-Alcasid ang kanilang stand sa pag-spoil ng kanilang anak na si Nate.

LOOK: 'Sarap Diva's' New Year with Ogie Alcasid

Ayon kay Ogie, walang masama sa pag-spoil ng magulang sa kanilang anak.

"Siguro, wala namang masama doon sa mag-spoil, lahat naman ng magulang may discretion sa pag-spoil. Ang kailangan, hindi mawala 'yung pagdidisiplina."

Para naman kay Regine, binabalanse niya lamang ang pagbibigay niya ng mga gusto ni Nate dahil ilan sa mga ito ay hindi niya na-experience noong bata siya.

Aniya, "Ako first time kong maging mommy. Noong maliit ako mahirap lang ako. So, parang lahat ng hindi ko na-experience, I want him to experience. Pero as much as possible, we try not to spoil him."

"Binibigyan naman namin ng direksyon kahit papaano like napalo ko siya. Pinapalo ko siya. 'Pag nagdi-disobey, may palo," Dagdag ni Regine.

Sa usaping good cop and bad cop as parents, sa tingin ni Regine dapat parehas nila itong gampanan ni Ogie.

"Kaming dalawa walang good cop, bad cop. Kasi basta kami 'pag nagdi-disobey or nagba-bad siya pareho kami. Kasi 'pag good cop and bad cop, ang tendency, pupunta siya doon sa good cop."