GMA Logo Ogie Alcasid and Regine Velasquez
Source: ogiealcasid (Instagram)
What's on TV

Ogie Alcasid and Regine Velasquez talk about the challenges of aging in the music industry

By Jimboy Napoles
Published May 24, 2024 7:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Ogie Alcasid and Regine Velasquez


Ogie Alcasid kay Regine Velasquez: “Magaling ka pa rin hanggang ngayon…Mas may puso ka nang kumanta.”

Ikinuwento ni Ogie Alcasid sa Fast Talk with Boy Abunda na madalas nilang mapag-usapan ng misis niyang si Regine Velasquez ang tumatanda na nilang mga career bilang mga singer.

Sa episode ng programa ngayong Biyernes, May 24, parang isang musical talk show ang napanood kasama ang isa sa OPM icons na si Ogie. Imbes na sa couch, sa isang high chair umupo si Ogie katapat ang isang malaking keyboard.

Dito ay idinadaan din ni Ogie sa pagkanta ang mga sagot niya sa mga tanong sa kaniya ng batikang TV host na si Boy Abunda.

Sa kanilang kuwentuhan, hiningan ng reaksyon ni Boy si Ogie sa naging interview noon ni Regine kung saan sinabi nito na tila hindi niya na panahon ngayon dahil dumarami na ang mga bagong singer.

“I did some interviews, kung saan, ang sinasabi ko [ay] itong interview ni Regine, I think she's quoted to have said na, 'A, hindi ko na panahon.'

“May mga pagkakataon na hindi na available ang boses ko, or something to that effect. I was talking about this to someone, another artist, who said, 'Mas lalo siyang gumaling nung narinig ko 'yon.' You know, that humility, that bravery to say na…May biological component kasi 'yun, e, realizing that you know, that's the journey. 'Yan ang trajectory ng ating paglalakbay,” sabi ni Boy.

Tanong niya kay Ogie, Did you guys talk about it?”

“Always!” mabilis na sagot ni Ogie.

Kuwento niya, “Araw-araw namin 'yan pinag-uusapan, at araw-araw kaming nagkakaroon ng maraming realization.”

Paglalahad ni Ogie, minsan ay hindi mapigilan ni Regine na ikumpara ang boses niya noon sa ngayon.

Aniya, “Minsan kasi nahuhuli ko siya, pinapanood niya 'yung mga videos niya nung bata pa siya. Tapos sasabihin niya sa 'kin, 'Tingnan mo o, ang taas ng boses ko, 'no? Ang galing ko nun, 'no?'”

Pero mabilis naman daw itong kinokontra ni Ogie, “Sasabihin ko, 'Hindi, magaling ka pa rin hanggang ngayon. Iba lang ang estilo mo ngayon. Mas may puso ka nang kumanta, kasi nandito na ako sa buhay mo.”

Kuwento pa niya, “May mga ganyan kami, tapos sabihin namin, 'Ang dami nang bago 'no? Ang dami nang magaling, ang dami nang bata. Wala na siguro tayo.' Sabi ko, 'Ano ka ba? Oo. Pero hindi naman wala, nandito pa rin tayo. Ang mahalaga, alam natin kung saan tayo lulugar. 'Di ba? Marami nang bagong dadating talaga. Pero ang maganda, nakukuha mo 'yung respeto ng mga batang 'yan.”

Ayon pa kay Ogie, gusto ng kaniyang asawa na si Regine na matulungan din ang mga batang singers ngayon.

“Alam mo, she always takes pride whenever these kids would talk to us? Kaya 'di ba, napapansin niyo lagi siyang nag-ge-guest sa mga [concert] kasi gustong-gusto niya. She wants to be part of the lives and the careers of those who are coming. Kasi naaalala niya, nung nagsisimula s'iya, ganyan din sina Pilita [Corrales], sina Kuh [Ledesma], sina Pops [Fernandez], Martin [Nievera] sa kaniya, hindi niya nalilimutan 'yon,” ani Ogie.

Noong December 2010, ikinasal sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Sila ay biniyayaan ng isang anak na si Nathaniel James Velasquez Alcasid o kilala rin bilang si Nate.

Samantala, napapanood naman ngayon si Ogie sa trending noontime show na It's Showtime sa GMA.

RELATED GALLERY: #OgRe: Sweetest moments of Regine Velasquez and Ogie Alcasid