
Huwag n'yo sinusubukan si Boy Pick-up!
Tila napuno na ang OPM icon at former Ka-Bubble comedian na si Ogie Alcasid nang mabasa sa isang Facebook page ang isang fake news tungkol sa kaniya.
I-pinost ng seasoned concert performer ang screenshot ng FB post na sinasabi na meron siyang malubhang sakit na lung cancer diumano.
Naiinis na sinulat sa caption ni Ogie, “Paulit ulit na lang po sila. Pls report this page on FB. This is fake news!!!”
Ilan sa mga celebrities na nadiagnose na may lung cancer at pumanaw na ay ang seasoned actor na si Spanky Manikan at comedian na si Redford White.
Samantala, magbabalik Bubble Gang si Ogie dahil isa siya sa star-studded guest sa two-part special na BG30: Batang Bubble Ako Concert na mapapanood ngayong October 19 at October 26.
Kilalanin pa ang ilan sa prime stars na mag-gi-guest sa anniversary special ng Kapuso gag show sa gallery below!
RELATED CONTENT: Prime stars featured on 'Bubble Gang''s 30th anniversary special