GMA Logo Ogie Alcasid hopes for an SOP reunion in Its Showtime
Source: ogiealcasid (Instagram)
What's on TV

Ogie Alcasid, nais magkaroon ng 'SOP' reunion sa 'It's Showtime'

By Jimboy Napoles
Published March 25, 2024 4:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sibol Men sweep group stage to punch 2025 SEA Games MLBB semis ticket
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Ogie Alcasid hopes for an SOP reunion in Its Showtime


Gusto mo ba ng isang bonggang reunion ng 'SOP' hosts sa 'It's Showtime?'

Mainit pa rin na pinag-uusapan ngayon ang naging kasunduan ng It's Showtime at ng GMA Network kung saan simula April 6, hindi na lamang sa GTV mapapanood ang nasabing noontime show kundi pati na rin sa Kapuso main channel na GMA-7.

Sa contract signing ng It's Showtime at ng GMA noong March 20, naging emosyonal ang sa isa mga host ng programa at dating Kapuso na si Ogie Alcasid.

Aniya, “Naluluha ako because of joy. Dito ako nanggaling noon 'di ba? Tapos ito nakabalik na ako. It's an emotional journey. Sino ba namang makapagsasabi? Only God.”

Ayon kay Ogie, dahil nakabalik na rin siya sa GMA sa pamamagitan ng It's Showtime, gusto niya rin na makasamang muli sa isang performance ang dati niyang mga katrabaho sa Kapuso Sunday variety show noon na SOP.

“Maganda na magsama-sama kami for a great production number. We can relive the old SOP days that would be nice.

“Maybe nandiyan sina Jolina [Magdangal], Janno [Gibbs], Regine [Velasquez], Jaya. Maybe gawin ko 'yan sa birthday ko,” masayang sinabi ni Ogie.

Samantala, bukod sa main channel at GTV, mapapanood din ang It's Showtime sa GMA Pinoy TV.

BALIKAN ANG MGA NAGING KAGANAPAN SA IT'S SHOWTIME SA GMA CONTRACT SIGNING DITO: