
Tila tribute raw kay Ogie Alcasid ang nakatatawang segment na "Kalokalike Face 4" nitong Lunes, September 30, kung saan nakipag kulitan siya sa tatlong tampok na impersonators.
Unang sumabak si Ogie sa aktingan kasama si Kim Chiu at ang KC Concepcion ng Valenzuela City. Ginampanan ng OPM singer ang matandang karakter na si Paulo, kaya't naging PauLolo tuloy ang kanyang pangalan.
"Galing ni PauLolo," pinuri ni Kim.
Biro naman ni Vice Ganda, "Best child actor in a superstar role."
Lumakas naman ang tawanan nang pumasok ang Regine Velasquez impersonator ng Muntinlupa City.
Bati pa niya kay Ogie, " Hi, Honey (Ogie). Araw-gabi you know that I love you so much. And to our boo boo bear at home, diyan ka lang work lang kami ni dad."
Nang pinalapit si Ogie sa "Kalokalike" contestant, tila iniilag niya ito at natawa na lang sa kanyang sitwasyon. Pilit naman ginagawang sweet sila ng mga ibang host, madalas binabanggit kung gaano matamis ang relasyon nina Ogie at Regine off camera.
"'Pag magkasama kayo talaga, nakikita ko ang clingy nila, halos hindi magkahiwalay. Pero ba't parang may distance?" tanong ni Vice.
"C'mon, honey," hirit naman ng impersonator.
"Nag-away kasi kami. Ang tindi ng away namin. Sabi namin hindi kami mag-usap two years," pabirong sagot ni Ogie, na nagdulot ng tawa sa lahat.
Natawa at kinilig ang lahat nang biglang nag-holding hands ang dalawa habang tinutuloy ang kanilang skit. Marami rin ang naghiyawan nang binalikan nina Ogie at "Kalokalike" ni Regine ang wedding vows ng totoong couple. Ang OPM singer, hindi mapigilang matawa tuwing nakikita niya ang impersonator at hiniling ng mga host mag-kiss sila.
"Ang galing niya. Ang galing-galing niya at saka 'yung boses pati 'yung 'wooah'," pinuri ni Ogie.
Bago pa mag-move on ang mga manonood sa kulitang ito, biglang natawa muli ang lahat nang ipinakilala ang Boy Pick-Up ng Sampaloc, Manila.
"Grabe! Magkamukhang magkamukha! Walang pagkakaiba!" masayang sinabi ni Vice.
"Pero alam mo ba? Habang pinapanood kita, iyan pala ginagawa ko noong araw. Walang kakuwenta-kuwenta," patawang sinabi ni Ogie sa kanyang impersonator.
Ang Boy Pick-Up ay isa lamang sa mga karakter na ginampanan ni Ogie sa long-running gag show na Bubble Gang. Sa sobrang patok ni Boy Pick-UP noon, nagkaroon pa ng pelikula si Ogie na may parehong titulo noong 2012.
Samantala, mas tumindi ang kulitan sa studio nang nag-pick up battle ang original Boy Pick-Up at ang kanyang "Kalokalike." Hindi rin pinalampasan ng host na paakyatin ulit sa stage ang Regine impersonator upang maging hurado sa kanilang laban.
Sa kanilang face-off, nilabas ni Ogie ang kanyang Boy Pick-Up moves na kinaaliwan ng lahat. Habang ang kanyang impersonator, tila mas naging malabo ang kanyang entry kaya't mas naloka tuloy si Ogie.
"I think this one medyo realistic," sabi ng "Kalokalike" ni Regine kay Ogie.
"This one kasi...pagod ka ba?" biro naman nito sa Boy Pick-Up contestant.
Sa huli, nagwagi ang impersonators nina Regine at Boy Pick-Up sa kanilang laban. Reaksyon ni Ogie sa pagkapanalo ng kanyang "Kalokalike," "Sandali, matutuwa ba ako dun?"
"Sabi ni Ogie,'Naku, babalik ulit siya,'" biro ni Vhong Navarro.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.
Samantala, balikan ang mga naging trending na "Kalokalike Face 4" contestants sa gallery na ito: