GMA Logo Ogie Diaz
What's Hot

Ogie Diaz, ipinagtanggol ang mga artista na hindi sumali sa Sept 21 protests

By Aedrianne Acar
Published September 23, 2025 10:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Iran protests abate after deadly crackdown, Trump says Tehran calls off mass hangings
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Ogie Diaz


Manager na si Ogie Diaz, may sagot sa mga tao na nagde-demand sa ibang artista na dapat lumahok sila sa nakaraang September 21 protests.

Ipinagtanggol ng entertainment writer at manager na si Ogie Diaz ang ilang celebrities na binabato ng puna at bashing dahil hindi raw lumahok sa mga multi-sectoral protest kontra sa korapsyon noong nakaraang Linggo, September 21.

RELATED CONTENT: Proud celebrity gay dads

Maraming artista ang nakiisa sa mga kabi-kabilang rally sa iba't ibang lugar sa bansa tulad ng sa Luneta Park at sa EDSA People Power Monument.

Ilan sa mga dumalo sina Gabbi Garcia, David Licauco, Dustin Yu, Raheel Bhyria, at Mika Salamanca.

Ayon kay Mama Ogs, hindi puwede sumama ang ibang celebrities dahil ipinagbabawal ito sa mga pinirmahan nilang kontrata sa isang proyekto o di kaya brand na ineendorso.

Hindi na bago sa mga kontrata si Ogie dahil manager din siya. Ilan sa mga naging alaga niya noon ay sina Unkabogable Star Vice Ganda at Liza Soberano.

“Nasaan daw si Kathryn [Bernardo] kahapon? Pati sina Piolo Pascual at Alden Richards? Ba't wala daw sa rally. Una, hindi naman sapilitan ang pagpunta doon, kung gusto lang.” paglilinaw ni Ogie sa Instagram Story.

Dagdag niya, “Pangalawa, may mga artistang bawal sa kanila ang lumahok sa anumang rally at dapat non-partisan sila or apolitical sila. Minsan, naka-stipulate ''an sa mga endorsement contracts nila. Kasi madedemanda sila o magpe-penalty sila 'pag nag-join sila.”

“Kahit gustuhin man nilang makiisa. 'Wag na kayo magalit, alam nating lahat na galit din ang mga 'yan sa corrupt.”

RELATED CONTENT: CELEBRITIES AND PERSONALITIES TAKE PART IN SEPTEMBER 21 RALLIES