
Maaliwalas na ibinahagi ng content creator at seasoned entertainment writer na si Ogie Diaz na nagawa nilang mag-reconnect ng dati niyang talent na si Liza Soberano.
Sa 28th birthday ni Liza, nag-post nang greeting si Mama Ogs sa multi-talented actress sa Instagram Story. Sabi niya sa dating alaga,
"Happy bday, Liza Soberano! Sana ma-achieve mo ang dream mo to make it big in Hollywood! Sana ay mapaligiran ka rin ng mga tamang tao para mas mabilis mo siyang ma-achieve! Love you, Hopie!"
Mapapanood sa 'Ogie Diaz Showbiz Update' episode noong January 6 na may tugon si Liza sa mensahe ni Ogie. Reply niya sa dating manager, "Thank you, Tito Ogie. I hope you and the family are doing well."
Dito sumunod na ikinuwento niya sa mga co-host na si Mama Loi na na-miss niya nang husto ang former talent.
"Noong nakaraan hindi ako bumabati, hindi naman masama 'yung loob ko, kundi hindi ko maramdaman 'yung sincerity, baka sabihin pinaplastik ko lang,"
"Ngayon, wala akong pakialam kahit sabihin n'yong, 'Gusto n'yo lang magbati kayo,' wala akong pakialam, binati ko talaga si Liza.
“Kasi, sa totoo lang na-miss ko naman talaga 'yung bata, kaya ayan, jusko.
“At nakakatuwa Loi, dahil ini-IG Story ko at tinag ko si Liza nang hindi niyo nakikita na tinag ko siya. Sumagot si Liza.”
Source: Ogie Diaz Showbiz update
Taos-puso naman ang pasasalamat ni Mama Ogs kay Liza Soberano at tumanaw din ito ng utang na loob sa aktres.
Aniya, "Thank you, Liza. Natuwa ako, kasi parang message ng ganun si Liza so wala siyang sama ng loob sa akin. Ako rin naman nung minessage ko siya wala, jusko ang tatanda na namin. Kumbaga, ano ba yun, magtatanim ka ba ng sama ng loob?
"Once upon a time naging anak mo 'yan, nabigyan ka rin ng magandang career, because of Liza. Lagi ko naman sinasabi if not for Liza e, jusko 'yung aking anak na si Miracle saan ko huhugutin 'yun... Hindi ko siya puwedeng kalimutan."
RELATED CONTENT: Kilalanin ang showbiz personalities na talent manager din