GMA Logo Ogie Diaz
What's Hot

Ogie Diaz, nagkwento kung paano nagreact ang pamilya ni Jillian Ward sa pagpunta nya sa debut nito

By Aedrianne Acar
Published February 28, 2023 1:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Ogie Diaz


Matatandaan na pinuna ni Ogie Diaz sa social media ang pag-arte ni Jillian Ward sa GMA Afternoon Prime na 'Abot Kamay na Pangarap' kamakailan. Ano nga ba ang naging reaksyon ng pamilya ng aktres nang dumalo sya sa debut nito noong Sabado, February 25?

Ilan sa mga naglalakihang pangalan sa show business ang dumalo sa grand 18th birthday party ng Sparkle actress Jillian Ward sa Cove, Okada Manila nitong Sabado, February 25.

Isa sa invited ang Kapamilya host at manager na si Ogie Diaz na ibinahagi ang naging experience niya sa star-studded event sa kaniyang vlog.

Ayon mismo kay Ogie, lubos siyang natuwa sa pamilya ng homegrown Kapuso talent.

Aniya, “Kasi kung matatandaan natin Loi, ay si Jillian [Ward] napuna natin ang acting niya dun sa Abot-Kamay na Pangarap, parang hindi doctor kumilos.”

Ang sinasabi na ito ni Ogie ay ang napansin niyang pag-arte ni Jillian bilang Dra. Analyn sa hit afternoon series na Abot-Kamay na Pangarap.

Sabi niya sa isang tweet last year, “Nakanood ako sandali ng 'Abot Kamay Na Pangarap' sa GMA. Alam ko mahusay itong si Jillian Ward umarte e,”

“Pero dito sa serye, tamad siyang umarte.” sabi niya.

Dito inilahad ni Ogie Diaz ang encounter niya sa tatay ni Jillian Ward na hindi minasama ang kaniyang naging opinyon.

Kuwento niya, “Pero nakakatuwa nakausap ko 'yung tatay niya, balewala sa kanila 'yun.”, pagpapatuloy ni Ogie , “Sabi ko kay Daddy, 'alam mo marami tuloy na-curious doon sa Abot-Kamay na Pangarap.”

Dagdag naman ng isa sa mga kasama niya sa vlog na si Mama Loi, “'Tsaka constructive 'yung komento mo sa kaniya.”

Nakakatuwa rin daw na personal pa siyang ininvite ni Jillian para makasama sa kaniyang party.

“Hindi naman tayo subjective. Kaya nakakatuwa, inimbita pa rin tayo oh 'di ba. Nag-DM sa akin sa IG si Jillian Ward, baka raw puwede ako pumunta.”

“At pagdating doon, inasikaso pa kami ng Itay niya!”


Naki-celebrate din kay Jillian Ward noong Sabado ang mga Kapuso stars na sina Carmina Villarroel, Gladys Reyes, Sanya Lopez, Ken Chan, Yasmien Kurdi at mga kaibigan niya na sina Elijah Alejo at Althea Ablan.

Dumalo rin sa pagtitipon sina Senator Bong Revilla Jr. at Quezon city Vice Mayor Gian Sotto, pati rin ang GMA-7 executives tulad nina Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group, and President of GMA Films Atty. Annette Gozon-Valdes at First Vice President for Program Management Joey Abacan.

SILIPIN ANG GRAND DEBUT NI JILLIAN WARD DITO: