GMA Logo Ogiez Dia
Photo by: Screenshot from Ogie Diaz's YouTube channel
What's Hot

Ogie Diaz, paano napunta sa showbiz industry?

By Aimee Anoc
Published May 14, 2026 7:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Drug war victims' families demand Bato face charges: 'We are thirsty for justice'
Sunod-Sunod nga pagbuto sa Armas, Nadungog sa Senado | Balitang Bisdak
From sacrifices to smiles: 20 hardworking Pinay moms pampered on a special Davao getaway

Article Inside Page


Showbiz News

Ogiez Dia


"Diniretso ko na 'yung aking dream to become a writer. So nag-apprentice ako kay Cristy Fermin. Nag-alalay muna ako sa kanya hanggang sa ino-observe ko siya kung paano siya magsulat, paano siya mag-interview." - Ogie Diaz

Binalikan ng veteran entertainment writer na si Ogie Diaz kung paanong dinala siya ng pangarap niyang maging isang writer sa mga nakamit niya ngayon sa industriya.

Sa kanyang YouTube channel, naikuwento ni Ogie kay Miss Philippines Earth 2025 at Pambansang Jusa Joy Barcoma na tulad ng beauty queen ay nakapag-aral din siya sa Polytechnic University of the Philippines, pero first year, first semester lamang sa kursong office administration.

Ayon kay Ogie, hindi na niya itinuloy ang kanyang pag-aaral dahil sinunod na niya ang pangarap na maging isang writer.

"Kasi Bachelor [of Science] in Office Administration, in short, secretarial ang course ko. Tapos parang hindi naman pala 'yun ang gusto ko... Diniretso ko na 'yung aking dream to become a writer. So nag-apprentice ako kay Cristy Fermin," sabi ni Ogie.

"Nag-alalay muna ako sa kanya hanggang sa ino-observe ko siya kung paano siya magsulat, paano siya mag-interview. 'Yung mga ibang reporters do'n sinasamahan ko, para lang malaman ko ano style nila ng pag-iinterview ng artista," dagdag niya.

Pero, aniya, ang alam ng kanyang ina ay nag-aaral pa rin siya habang nagwo-working student.

"Nandoon ako kay Ate Cristy. Pero hindi niya alam pumu-focus na ako kay Ate Cristy... Ang paniniwala ko nu'n, 'di ba kaya ka nga nag-aral para pagtapos mo hahanap ka ng trabaho. Nahanap ko na 'yung trabaho ko, di pagbubutihan ko na lang 'yung trabaho ko,” kuwento pa niya.

"So, aaralin ko na lang 'yung paligid ko. Kung ano 'yung mga pwedeng trabaho na pasukin ko within the industry."

Hanggang sa naging aktor siya, nag-manage ng talents, naging editor, nagkaroon ng pamilya, at nakapagturo sa mga kabataan.

Sa ngayon, ani Ogie, gusto niyang makapag-give back. Sabi niya, "Kapag kinukuha akong speaker sa school, hindi ako nagpapabayad. Parang goodwill ko na lang sa mga estudyante kasi sa lahat ng mga karanasan ko rito, wala naman sa libro 'yon, pwede ko sa kanilang i-share."