GMA Logo Ogie Diaz at Euleen Castro
Source: ogie_diaz (IG) & euleenc (Tiktok)
Celebrity Life

Ogie Diaz reminds content creators to be more responsible

By Aedrianne Acar
Published May 30, 2025 1:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tom Rodriguez confirms new marriage, shares message for ex-wife Carla Abellana
#WilmaPH spotted over waters of Can-avid, Eastern Samar
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Ogie Diaz at Euleen Castro


Vlogger-manager Ogie Diaz, may mahalagang paalala sa mga content creators na gumagawa ng food review.

Mainit pa rin usap-usapan tungkol sa controversial food review ng TikTok influencer na si Euleen Castro na binansagan 'Pambansang Yobab' ng kaniyang fans.

Inulan ng negatibong reaksyon ang content ni Euleen tungkol sa kanyang review sa isang Iloilo-based café kamakailan nang sabihin nito na hindi masarap ang mga sinubukan niyang pagkain dito.

Makikita rin sa naturang TikTok video na nag-mura pa si Euleen.

Sa Facebook post naman ng manager at vlogger na si Ogie Diaz, naglabas siya ng sentimyento kung paano niya hinahandle kung hindi siya nasarapan sa kinain niya sa isang food establishment.

Malinaw sa post ni Ogie na walang siyang pinapatamaan na kung sino mang content creator, pero, ibinahagi niya na mahalaga na maging responsable ang mga social media personalities sa mga binibitawan nilang salita.

“Si Enchong Dee ang nagturo sa akin na, 'Pag hindi ka nasarapan sa pagkain, 'wag mong i-post na hindi masarap. Sabihin mo lang, hindi nakapasa sa panlasa mo.' Kasi, hindi naman magkakapareho ang taste buds natin. Pwedeng hindi masarap sa 'yo, pero sa iba, masarap.” sabi ni Ogie.

Pagpapatuloy niya, “Hangga't kakayanin, hindi tayo para manira ng negosyo, lalo na sa food business. At online food delivery. Basta pag pinadadalhan ako para matikman ang kanilang produkto, thank you. Pero pag di ko type yung luto o yung lasa, pina-private message ko at nagsa-suggest ako.

“Siyempre, iniisip ko din, baka doon sa negosyong yon humuhugot ng pambayad ng kuryente at tubig yung tao o kaya ay pang-tuition ng anak, nagpapasweldo sa mga tauhan, tapos, sisirain ko lang? Wag. Hindi tama.

“Kung hindi masarap, dini-dm ko para i-improve niya. Juice ko, sa panahon ngayon na me mental health na inaaalala ang mga tao sa kanilang sarili, baka 'yun pang post mong 'Hindi masarap yung luto o lasa ng pagkain mo,' 'yun pa ang maging sanhi ng kanyang mental health issue, di ba?”

Binigyan-diin ni Ogie na mahalaga na makipagusap nang maayos sa nagpapatakbo ng food business para maiparating ang iyong suhestiyon.

“Kaya sabihin nang maayos. Hindi naman porke nagbayad ka ay lahat ng karapatan ay nasa 'yo na para laitin 'yung kinain mong di ka naman nasarapan.

“Tulungan mo 'yung negosyong mag-improve at lumago para mas marami pa itong matulungan. “

Nag-iwan din siya ng paalala sa mga vloggers o influencer sa tuwing gagawa sila ng food review.

Ani Ogie, “O, basta doon sa mga vloggers/influencers na nagpu-food review, pag di nasarapan, tawagin 'yung staff at sabihin nang maayos ang complaint. Hindi porke me platform ka eh dapat ka nang katakutan, dahil kilala kang nagsasabi nang totoo.

“Di ba pwedeng magsabi nang totoo at mag-suggest sa mismong may-ari o staff off cam and in private? Hindi lahat sana for the views. For the love and concern din.”

RELATED CONTENT: IN PHOTOS: Handsome celebrities who love to cook