
Sa ikalimang linggo ng Oh My Baby, naging boyfriend na ni Charie (Jang Na-ra) si Christian (Ko Jun).
Nag-propose na rin si Christian kay Charie at kahit na may pag-aalinlangan, pumayag na ang huli sa alok na kasal. Masaya namang ibinalita ni Charie sa kanyang mga katrabaho na sa wakas ay engage na siya.
Nang papauwi na sana si Christian mula sa ospital, nakasalubong nito si Gerry (Park Byun-eun). Dahil sa labis na pag-aalala, tinanong ni Gerry si Christian kung may pag-asa pa ba itong magkaroon ng anak? Nalaman na ni Gerry ang tunay na kondisyon ng kalusugan ni Christian at ang pagiging baog nito.
Pero patuloy na umaasa si Christian sa maliit na porsyentong maaari siyang magkaroon ng anak para na rin kay Charie.
Samantala, para lamang mapapayag si Charie na magpaopera sa sakit na endometriosis, inamin na ni Christian sa nanay ni Charie na baog siya at maaaring hindi rin magkaroon ng anak.
Mamahalin pa kaya ni Charie si Christian kung malamang posibleng hindi siya magkaroon ng anak dito?
Patuloy na panoorin ang Oh My Baby, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m sa GMA.
Samantala, balikan ang mga eksena sa Oh My Baby:
Oh My Baby: Reasons why Christian doesn't want kids | Episode 23
Oh My Baby: Christian's health issues | Episode 24
Oh My Baby: Wrong move Christian | Episode 26
Oh My Baby: Christian's secret plan | Episode 27