GMA Logo MAKA LOVESTREAM stars Olive May at John Clifford
What's on TV

Olive May at John Clifford, grateful na maka-love team ang isa't isa sa 'MAKA'

By Aimee Anoc
Published October 8, 2025 6:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Beauty Gonzalez, Kris Bernal all praises for each other in first collaboration in 'House of Lies'
Beauty Gonzalez, Kris Bernal face off in family drama ‘House of Lies’

Article Inside Page


Showbiz News

MAKA LOVESTREAM stars Olive May at John Clifford


May mensahe para sa isa't isa ng 'MAKA' love team na sina Olive May at John Clifford. Alamin dito.

Masaya at thankful sina Olive May at John Clifford sa pagkakataon na maka-partner ang isa't isa sa hit youth-oriented show na MAKA hanggang sa spin-off nito na MAKA LOVESTREAM.

Isa ang love team nina Olive May at John Clifford o OliFord sa mga kinakikiligang love team sa MAKA.

Sa online exclusive video ng MAKA LOVESTREAM, ipinarating ng OliFord ang kanilang mensahe sa isa't isa.

"Olive, gusto ko lang magpasalamat, syempre one year na rin ang MAKA. Happy one year. Syempre tayo pa rin 'yung mag-partner," sabi ni John Clifford.

"I feel like that's something na not everyone can have 'yung bond natin sa isa't isa. Of course, I'm super grateful talaga sa ating pinagsamahan and sana tuloy-tuloy pa 'to," dagdag ng aktor.

Grateful naman si Olive May sa nabuong magandang samahan nila ni John Clifford.

"Ako, grateful din ako na ikaw yung naging partner ko from season one... I'm happy na umabot tayo ng season four, and syempre happy ako na hanggang season four ikaw pa rin ang love team ko," nakangiting sabi ni Olive May.

"Grateful ako kasi talagang comfy ako sa 'yo and sa love team. Super happy ako kasi ang dami na nating na-build na relationships."

Para sa mas marami pang kilig moments ng OliFord, patuloy silang subaybayan sa MAKA LOVESTREAM tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.

SAMANTALA, MAS KILALANIN SI OLIVE MAY SA GALLERY NA ITO: