
Patuloy ang mainit na suportang natatanggap ng hit youth-oriented show na MAKA simula nang umere ang unang season nito noong September 2024 hanggang ngayong nagkaroon na ito ng ikalawang season.
Patunay rito ang milyon-milyong online views na nakukuha ng episodes at clips ng MAKA.
Sa interview ng GMANetwork.com, ipinarating ng MAKA love team na sina Olive May at John Clifford ang kanilang pasasalamat sa patuloy na nagmamahal sa kanilang show.
"Sobrang thankful po kami. Always naman kaming thankful ever since season one kasi sobrang unexpected. Marami pong sumuporta sa amin. Marami pong natutuwa sa show. 'Yung mga comments po nila very positive po sa show na napapasaya po talaga sila. Na-i-inspire sila," sabi ni Olive.
"Na-e-encourage sila kasi 'yung show po namin it shows lot of challenges sa family, friends, life, and kung paano po namin na-o-overcome 'yon and natutuwa po 'yung mga tao kasi ganoon po 'yung nakikita nila sa show. Thankful po kami na until now sinusuportahan po nila kami," dagdag ng aktres.
Pagpapatuloy naman ni John Clifford, "Super grateful din kami na sobrang daming tao na na-inspire namin sa show kasi 'yon naman talaga 'yung goal natin at the end of the day is to inspire, lalo na 'yung mga kabataan kasi it's been a long time din na nagkaroon ng youth-oriented show.
"We're very blessed to be a part of it. And, we're super thankful na dahil sa inyo tumatagal po 'yung MAKA. Hopefully, patuloy n'yo pong suportahan 'yung MAKA."
Kasamang nagbibigay kasiyahan at inspirasyon nina Olive May at John Clifford sa MAKA Season 2 sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Elijah Alejo, Chanty, Sean Lucas, May Ann Basa, Shan Vesagas, Bryce Eusebio, at Josh Ford.
Abangan ang MAKA Season 2 tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
SAMANTALA, TINGNAN ANG KILIG MOMENTS NINA ASHLEY SARMIENTO AT MARCO MASA SA GALLERY NA ITO: