GMA Logo Aira Villegas
Courtesy: @iiamairavillegas (IG)
What's Hot

Olympic bronze medalist na si Aira Villegas, ipinagmamalaki ng mga kapatid

By EJ Chua
Published August 14, 2024 6:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 22, 2025
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Aira Villegas


Masayang-masaya ang pamilya ni Aira Villegas sa naiuwing bronze medal ng Filipino boxer mula sa 2024 Paris Olympics.

Isa si Aira Villegas sa talaga namang ipinagmamalaki ngayon ng mamamayang Pilipino.

Matagumpay kasi niyang nasungkit ang bronze medal sa boxing women's 50kg sa 2024 Paris Olympics.

Sa Unang Balita report na ipinalabas sa Unang Hirit nitong August 14, inilahad na proud na proud ang mga kapatid ni Aira sa nakamit na tagumpay ng huli.

“Proud na proud kami na nakapag-uwi ka ng bronze,” pahayag ng kuya at dati ring coach ni Aira na si Romnick Villegas.

Nagpaabot din siya ng pasasalamat kay Aira dahil ipinagpatuloy ng kanyang kapatid ang nasimulan nila sa boxing, “Salamat at 'yung ano natin… pinagpatuloy mo.”

Dagdag pa ni Romnick, “Focus pa rin sa pangarap, focus lang tayo…sa Panginoon din natin, magdadasal palagi tayo para 'yung pangarap natin makamit talaga natin.”

Mensahe naman ng nakababatang kapatid ni Aira na si Jhundel para sa kanya, “Patuloy lang palagi sa training at magpursige makuha 'yung gintong medalya.”

Samantala, ang bronze medal na nasungkit ni Aira ay ang ikatlong medalya ng Pilipinas mula sa 2024 Paris Olympics matapos mapanalunan ni Carlos Yulo ang dalawang gintong medalya sa artistic gymnastics.

Related Gallery: Carlos Yulo's journey to Olympic Gold