
Sa oras ng kagipitan, kayang-kaya ni Helena na ipahamak ang taong malapit sa kaniya.
Hindi siya papayag na isuko si Natalie sa tunay nitong ina na si Onay kaya gagamit na siya ng dahas.
Makakamit pa ba ni Onay ang hustisyang matagal nang ipinagkait sa kaniya ngayong nasa peligro ang buhay ng kaniyang anak?
Huwag palampasin ang makapigil-hiningang tagpong 'yan sa Onanay ngayong Martes, January 15, pagkatapos ng Cain at Abel sa GMA Telebabad.