
Maliit na bagay man sa iba, ramdam naman namin ang laki ng inyong suporta!
Kaya bilang pasasalamat, muli ninyong matutunghayan ang unang limang episode ng GMA Telebabad series na umantig sa inyong mga puso.
Abangan ang pilot week rewind ng Onanay ngayong Linggo, August 12, 3:30 p.m. to 5:25 p.m.
Itinatampok sa serye ang mga bituing nagbibigay-buhay sa mga tauhang gabi-gabi nating nakakasama at minamahal. Ito ay sina Wendell Ramos, Rochelle Pangilinan, Adrian Alandy, Vaness Del Moral, Enrico Cuenca at Gardo Versoza.
Pinagbibidahan ito ng dalawa sa mga magagaling na Kapuso artists na sina Mikee Quintos at Kate Valdez.
Ipinapakilala si Jo Berry as Onay at itinatampok din ang de kalibre at batikang aktres na si Ms. Cherie Gil bilang Helena.
At sa kanyang espesyal na pagganap, binibigyang-buhay ng nag-iisang Superstar Ms. Nora Aunor ang karakter ni Nelia, ang ina ni Onay.
Gamitin ang official hashtag na #OnanayRewind para ipakita ang inyong suporta. Patuloy rin na bumisita sa GMANetwork.com para sa iba pang updates.