
Patuloy na namamayagpag sa TV ratings ang hit GMA primetime series na Onanay.
Ayon sa Nationwide Urban TV Audience Measurement (NUTAM) People Ratings ng pinagkakatiwalaang AGB Nielsen, nakakuha ng 13.5% rating ang Kapuso drama series kahapon, February 12, laban sa katapat na programa ng kabilang istasyon na may rating na 12.5% lamang
Patuloy na subaybayan ang mga tumitinding eksena gabi-gabi sa huling tatlong linggo ng Onanay, 8:35 p.m. sa GMA Telebabad.
Para sa mga naka-miss man ng episode, bumisita lamang sa GMANetwork.com para mapanood ang daily clips and highlights.