
Kahit okay lang kay Ondrea na magkakaroon siya ng baby brother, ramdam daw ng mga magulang nitong sina Oyo Sotto at Kristine Hermosa na matindi ang kagustuhan nito na magkaroon ng isang sister.

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
Finally ni-reveal na ng celebrity couple na si Kristine Hermosa at Oyo Sotto ang kasarian ng kanilang fourth baby sa press conference ng pinakabago nilang sitcom sa Kapuso Network na Hay, Bahay! na mapapanood na sa darating na June 19.
Oyo Sotto and Kristine Hermosa pregnant with fourth child
Ayon sa interview ni Oyo Sotto nitong Lunes ng hapon (June 13) kaharap ang entertainment press, sinabi nito na four months pregnant na ang kaniyang misis at inamin na magkakaroon sila ng baby boy.
Pero may isa sa kanilang anak ang malungkot sa naging gender ng kanilang bagong chikiting.
Kuwento ni Oyo, “Si Ondrea kasi siya lang ‘yung mag-isang girl, so nagpi-pray siya talaga 'I want a baby sister'.”
“Nung nalaman niya nalungkot siya. Nalungkot for a while na parang sabi namin we came from the hospital and we found out that it was a boy. Tapos biglang sabi niya “What?””
Kahit okay lang kay Ondrea na magkakaroon siya ng baby brother, ramdam daw nina Oyo at Kristine na matindi ang kagustuhan nito na magkaroon ng isang sister. Diretsahan din sinabi ni Oyo na plano pa nilang magkaroon ng isa pang baby.
May tatlo ng anak ang mag-asawang Sotto ito ay sina Kiel, Ondrea Bliss at Kaleb.
“Nagpi-pray sana kami ng girl para at least dalawang boys, dalawang girls okay na. So parang siguro baka ayaw pa ni Lord na tumigil kami [laughs] kaya subok pa kami ng isang girl pa sana after nito.”
Inusisa din ng press kung naninibago ang mga anak ni Oyo ng magsimulang mag-trabaho muli si Kristine Hermosa?
Saad ni Oyo, “Pero nami-miss siya nung mga bata sa bahay kasi nung first taping ni Tin hindi sanay ‘yung mga bata na wala siya sa house, so ‘yung girl namin si Ondrea umiiyak nang umiiyak,”
Kahit din daw si Kristine naiyak ng mahiwalay sa mga anak ng sumabak sa taping para sa Hay, Bahay!
“Nung first taping namin naiyak din ako, so ‘yun nga tama kayo separation anxiety pero of course panibagong adjustment and this is a blessing eh so enjoy na lang natin.”
MORE ON 'HAY, BAHAY!':
EXCLUSIVE: Behind-the-scenes in Hay, Bahay!'s pictorial & plug shoot
WATCH: Meet Yoyo and Batch of 'Hay, Bahay!'
Meet Lav and Vio of 'Hay, Bahay!'