What's Hot

'One Hugot Away's' Beauty and the Hypebeast reaches 1M views on Facebook

By Jansen Ramos
Published June 17, 2019 12:40 PM PHT
Updated June 18, 2019 3:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump brands fentanyl a ‘weapon of mass destruction’ in drug war escalation
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News



Kagaya ng 'Walang Label,' certified trending din online ang second installment ng 'One Hugot Away' na pinamatagang 'Beauty and the Hypebeast.'

Kagaya ng Walang Label, certified trending din online ang second installment ng One Hugot Away na pinamatagang Beauty and the Hypebeast.

As of writing, nakakuha na ito ng mahigit one million views sa Facebook sa loob ng isang linggo.

Naging viral ang Beauty and the Hypebeast dahil sa kilig vibes at millennial flavor nito kung saan tampok ang kuwento nina Cat at Joe, ang dalawang taong nagkagaanan ng loob kahit na magkaiba sila ng estado ng buhay.

Pinag-usapan din ang bagong tambalang nina Angel Guardian at Kelvin Miranda na gumanap bilang Cat at Joe sa GMA Public Affairs-produced short film. "GelVin" kung sila ay tawagin ng kanilang fans.

Hindi naman naiwasang maikumpara ng netizens sina Angel at Kelvin sa ilang local and international celebrity.

Anila, may pagkakahawig si Angel sa English singer na si Dua Lipa, samantalang si Kevin daw ay papasang look-alike ng ilang local heartthrobs.

Muling panoorin ang Beauty and the Hypebeast dito:

Angel Guardian and Kelvin Miranda pressured over the second installment of 'One Hugot Away'