
Top trending nationwide ang pilot episode ng One of the Baes. Ang cast at crew, sama-sama pang nanood ng bagong teleserye.
Inabangan at tinutukan ng buong bayan ang pilot episode ng millennial fairytale na One of the Baes. Ito ang first primetime offering ng RitKen matapos ang successful love team nila sa My Special Tatay. At ang hatol ng mga netizens sa #OneoftheBaesPilot -- trending nationwide!
Sa unang gabi pa lang, nagpasabog na ng kilig vibes ang RitKen. Ang buong cast, staff, at crew, naghanda muna ng thanksgiving mass bago mag-watch party. Full force na pinanood ng buong team ang kanilang pinaghirapan.
Taos-puso rin namang nagpasalamat ang buong cast and crew sa suportang ibinigay ng fans sa kanilang unang episode.
Panoorin:
WATCH: 'One Of The Baes,' mapapanood na gabi-gabi!
'One of the Baes' first episode tops Twitter PH trends