GMA Logo 1906 US Philippine Peso Coin
What's Hot

One Peso coin, umaabot na sa milyon ang halaga?

By Aaron Brennt Eusebio
Published April 30, 2022 4:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 23, 2025
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

1906 US Philippine Peso Coin


Mayroon ka bang P1 coin na nasa milyon na ang halaga? Pati ba ang bagong P20 coin, maibebenta rin ba sa malaking halaga? Alamin 'yan DITO:

Alam niyo ba na may isang one-peso coin na maaaring umabot sa milyon ang halaga? 'Yan ang 1906 US Philippine Peso Coin.

Ayon kay Kuya Kim sa #KuyaKimAnoNa, tinaguriang King of Philippine Peso ang 1906 US Philippine Peso Coin na mayroon na lang less than 200 pieces sa buong mundo.

Dahil sa sobrang rare nito at malaki ang posibleng maging value para sa mga kolektor, pinag-iingat ang publiko dahil maraming namemeke nito.

Bukod sa 1906 US Philippine Peso Coin na posibleng umabot sa milyon ang halaga, palaisipan rin sa sari-sari store owner sa Hilongos, Leyte na si Neliza kung mabebenta niya ang bagong 20-peso coin sa halagang P20,000.

Aniya, "Mayroon po kasi akong napanood, 'pag 'yung mintmark po ay nakatapat po sa bandang kuwelyo ng bayani, 'yun po ay worth P20,000 kaya sana po ay maibenta ko po siya."

Pero paliwanag ng Bangko Sentral ng Pilipinas, hindi magbabago ang face value ng mga barya.

Paliwanag ng Bank Officer na si Nenette Malabrigo, "Hindi ito rare, marami po tayong barya na bente. Kung ano po ang makikita natin na denomination dito, 'yun ang katapat niyang value."