GMA Logo One The Woman
What's Hot

One The Woman: Malalaman na ni Julie na isa siyang prosecutor

By Aimee Anoc
Published January 7, 2026 4:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

61-anyos na rider, patay sa salpukan ng 2 motorsiklo sa Urdaneta City
Student harassed on the road by rider in Bacolod City
FPJ Sa G! Flicks: 'Asedillo' | Teaser

Article Inside Page


Showbiz News

One The Woman


Paano kaya pagsasabayin ni Julie ang pagiging CEO ng Yumin Group at prosecutor matapos na malaman ang tunay na pagkatao?

Agad na nakilala ni Kevin (Lee Won-geun) si Julie (Lee Ha-nee) nang dumating ito sa tapat ng prosecutor's office. Labis naman ang pagtataka ni Kevin nang hindi siya makilala ni Julie.

Si Kevin ang prosecutor na nagpapunta kay Mina Kang, chairman ng Yumin Group, para makuha ang statement nito bilang witness.

Sa interrogation room, dito na sinabi ni Kevin ang pagkakakilanlan ni Julie, na isa siyang prosecutor sa Central District Office. Hindi naman agad masabi ni Julie kay Kevin na alam niyang hindi siya si Mina Kang.

Ngayong alam na ni Julie ang tunay na pagkatao, paano kaya niya pagsasabayin ang pagiging manugang ng Hanju Group, CEO ng Yumin Group, at prosecutor?

Patuloy na subaybayan ang One The Woman, Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m. sa GTV.

KILALANIN ANG CAST NG 'ONE THE WOMAN' SA GALLERY NA ITO: