GMA Logo One True Love
What's on TV

'One True Love' nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, tampok sa I Heart Movies ngayong linggo

By Marah Ruiz
Published May 18, 2022 12:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Commissioner Rossana Fajardo, nagbitiw sa ICI
Weak ash emission on Mt. Kanlaon generates 400-m plumes
Roxie Smith's dreamy photos in Switzerland

Article Inside Page


Showbiz News

One True Love


Kabilang ang 'One True Love,' starring Dingdong Dantes at Marian Rivera, sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

May treat ang digital channel an I Heart Movies para sa mga fans ng Kapuso Primetime Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Mapapanood kasi ngayong linggo ang isa sa mga pinagtambalan nilang pelikula na One True Love.

Gaganap dito si Dingdong bilang Migs, habang si Marian naman ang kanyang asawang si Joy.

Sa kasamaang palad, maaaksidente si Migs at magkakaroon ng amnesia. Hindi niya maaala si Joy at ang huling alaala niya ay ang ex-girlfriend na si Bela, played by Iza Calzado.

Magpaparaya ba si Joy dala ng pagmamahal niya kay Migs?

Abangan ang One True Love, May 22, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Huwag din palampasin sina Anne Curtis, Richard Gutierrez at Claudine Barretto sa In Your Eyes.

Si Claudine ay si Ciara na nagtratrabaho bilang physical therapist sa Amerika. Reunited sila ng kanyang kapatid na si Julia, karakter ni Anne, nang makakuha ito ng student visa para makapag-aaral doon.

Susunod naman kay Julia sa Amerika ang boyfriend niyang si Storm, played by Richard, kahit wala itong kongkretong plano.

Makikiusap si Julia kay Ciara, na isa nang American citizen, na pakasalan si Storm para makapanatili ito sa Amerika.

Tunghayan ang In Your Eyes, May 20, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.