
Nagbigay ng update ang beauty queen/ endorser na si Pia Wurztbach sa kanyang mga follower sa Instagram tungkol sa naranasan glitch sa kanyang GoGetFunding page.
Ito ay ang tulong ng 2015 Miss Universe titlist para makabili ng medical face masks para sa frontliners na tumutugon ngayon sa COVID-19 pandemic.
TRIVIA: Who is traveling hunk Jeremy Jauncey?
Paliwanag ni Pia, "Hi guys! There seems to be a glitch in the system and we've been getting feedback that some donations are not going through in the GoGetFunding page.
But don't worry, we set up alternate methods where you can make your donations. Please swipe left or see the details below."
embed: https://www.instagram.com/p/B-eaCbUjTBL/?igshid=mt68hh7esqaa
Makikita naman sa comment section ng IG post ni Pia na may isang netizen ang nagtanong sa kanya kung bakit hindi na lamang gamitin ng beauty queen ang sarili niyang pera para makatulong.
"Di ba madami kana po pera? Back apan mo nalang Ms. PIA TOTAL tinagkilik naman ng mamayan mga inedorseo mo... For sure million bayad nila sayo bawasan mo nalang pls. HIRAP na ang Pinas."
Mahinahon naman ang tugon ni Pia at sinabi niya, "Hiwalay pa po diyan yung galing po sa akin mismo."
As of writing, may naitala na ang Department of Health (DOH) na 2,633 kaso ng coronavirus, samantalang 107 ang namatay at 51 naman ang naka-recover.