
Good vibes ang dala ng ex-Pinoy Big Brother housemates na sina Ashley Ortega at AC Bonifacio sa kanilang guesting kamakailan lang sa online show na Kapuso Artistambayan.
Related gallery: Meet the Kapuso, Kapamilya housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'
Masayang nakipagkwentuhan sina Ashley at AC sa Kapuso comedienne na si Maey Bautista at ilang GMA employees na parte ng show.
Bukod sa kamustahan, tampok din dito ang kanilang kulitan moments.
Sa TikTok, viral ngayon ang video nina AC at Ashley habang game na game sila sa isang trend, kung saan ang kinailangan lang nilang gawin ay umiwas o hindi mahagip ng camera na hawak ni Maey na tinatakpan ang kaniyang mga mata.
Labis na naaliw ang netizens at fans sa moments nina Ashley at AC sa Artistambayan.
@gmanetwork Baka #AcLey at Ate @Maey Bautista yarn?! MONYEKANG MONYEKA! ❤️🔥 Balikan ang kanilang kuwentuhan sa #KapusoArtisTambayan sa GMA Network Facebook page! #TeamAcLeyOnKAT #AshleyOrtega #ACBonifacio #fyp #GMANetwork #Kapuso ♬ original sound - GMA Network
Matatandaang sila ang unang celebrity duo na na-evict sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Sina Ashley at AC ay nakilala sa teleserye ng totoong buhay bilang Independent Tis-ice Princess ng San Juan at Dedicated Showstopper ng Canada.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.