
Kung na-miss n'yo ang kilig na hatid nina Stacy (Maine Mendoza) at Sir Anton (Ruru Madrid) nitong lockdown, puwes tutuparin namin ang wish n'yo dahil muli silang magsasama sa isa namang fresh episode ng Daddy's Gurl this June 27!
Dahil nasa gitna pa rin tayo ng isang pandemya, paano tatanggapin ng isang conservative dad tulad ni Barak (Vic Sotto) ang idea ng isang online ligawan?
Matuloy na kaya sa forever ang magandang pagtitinginan nina Stacy at Anton?
Tanggal ang lumbay ninyo mga Kapuso kahit stuck at home, dahil sa isa namang exciting episode ng Daddy's Gurl ang mapapanood n'yo on June 27, pagkatapos ng Magpakailanman.