What's on TV

Open 24/7: Ano ang nangyari kay Che?

Published March 18, 2024 6:45 PM PHT
Updated March 22, 2024 3:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Eman Pacquiao, naghahanda sa pagsasanay para sa kaniyang laban sa Pebrero 2026
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Faye Lorenzo in Open 24 7


I-add to cart na ang bigay namin na relaxation, mga Kapuso! Nood na ng 'Open 24/7' ngayong March 23.

Mapapa-add to cart kayo ng saya dahil tuloy ang good moments sa paborito n'yo na Saturday night sitcom na Open 24/7!

Walang patid ang tawanan sa pagpapatuloy ng adventure ng magkapatid na sina Boss E.Z. (Vic Sotto) at Spark (Jose Manalo) sa pagpapatakbo ng kanilang Open 24/7 convenience store.

Ano-ano kaya ang mga haharapin nila para lalong mapalago ang kanilang negosyo?

Siyempre, hindi makukumpleto ang barkada kung wala ang pretty girl na si Mikaela (Maja Salvador) at ang mga nagagandahan at naguguwapuhan na kapwa Gen-Z crew.

Sagot nina Kitty (Sofia Pablo) at AL (Allen Ansay) ang kilig at sasamahan pa sila ng ating morena beauty na si Bekbek (Riel Lomadilla).

At mapapa-'yum' kayo dahil bumabaha ng extra hot guys tuwing Sabado with our resident hotties Andoy (Anjay Anson), Kokoy (Kimson Tan), Fred (Abed Green), at Doe (Bruce Roeland).

This weekend, isang pulubi na ang pangalan ay Che (Faye Lorenzo) ang tutulungan ni Boss E.Z. (Vic Sotto).

Ano kaya ang nangyari sa babae at naging palaboy sa daan?

Open 24 7 episode on March 23 xx

Hatid namin ang Best Weekend ever! Kaya tutukan ang Saturday episode ng Open 24/7, kung saan special guest ang sexy comedienne na si Faye Lorenzo, pagkatapos yan ng #MPK (Magpakailanman).

RELATED CONTENT: THE FUNNY CAST OF 'OPEN 24/7'