
Matinding pagpapanggap ang ginawa ni Mike (Maja Salvador) para hindi mahalatang siya si Mikaela sa second episode ng Open 24/7 last June 3.
Problemado si Mikaela dahil tila sablay ang get-up niya bilang Mike. Hindi rin nakatulong nang bigla siya kausapin ng one-on-one ni Boss EZ (Vic Sotto) tungkol sa kanilang Gen Z crew na sa tingin nito ay ubod ng tamad.
Magawa kaya ni Mike na maipaintindi kay EZ na hindi na lang work hard ang uso ngayon kundi work smart na rin pagdating sa trabaho?
Pero ang mas malaking tanong: hanggang kailan mapapanindigan ng ating pretty na bida ang pagpapanggap niya bilang maton?
Balikan ang naging heart-to-heart talk nina Boss EZ at Mike sa episode ng Open 24/7 DITO:
Manager Mike, totoo ka nga bang Mike?
I-cash out ang good vibes! Heto pa ang ilan highlights sa funny episode na napanood last June 3.
Open 24/7: Walang pero pero, basta may pera pera, Open 24/7!
Dalawang delivery rider, nagsalpukan?!
Kokoy at Andoy, ang palpak na bagger at promodiser!
Bekbek, ang shoplifting na talent manager!
MEET THE CAST OF 'OPEN 24/7':