
Susundan nina Spark (Jose Manalo) at Mike (Maja Salvador) ang crew nila na si AL (Allen Ansay) dahil may hinala sila na may alam ito sa nangyaring pangho-holdap.
Mako-corner nina Spark at Mike ang binata na may kasamang kahina-hinalang lalaki na may motorsiklo.
Agad na aakusahan ng kapatid ni Boss E.Z. (Vic Sotto) si AL na may pakana na nangyaring pangho-holdap sa kaniya.
Pero itatanggi ito ng mestizo heartthrob at aamin na ang pera na hawak ng lalaking may motorsiklo ay uutangin sana niya para sa inang may sakit.
Paniwalaan kaya si AL ng mga kasama niya sa Open 24/7 convenience store?
Balikan ang mga nangyari sa Open 24/7 noong nakaraang Sabado, August 5 DITO:
Bawal judgemental!
I-cash out ang good vibes! Narito pa ang ilang highlights sa funny episode ng Open 24/7:
Si Boss Spark na-holdap?!
Si Al nagipit sa patalim kumapit!
Walang tikom ang bibig ni ate mo Bekbek
Forda live selling is Boss EZ
MEET THE CAST OF 'OPEN 24/7':