GMA Logo Open 24 7 trending premiere
What's on TV

'Open 24/7,' trending online sa kanilang grand opening

By Aedrianne Acar
Published May 28, 2023 10:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Top US Catholic cardinals question morality of American foreign policy
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Open 24 7 trending premiere


Ano-ano ang favorite moments n'yo sa pilot episode ng 'Open 24/7' kagabi?

Umani ng papuri at positive reviews ang grand opening ng much-awaited sitcom na pinagbibidahan nina Jose Manalo, Maja Salvador, at Bossing Vic Sotto na Open 24/7 kagabi, May 27.

Ramdam ang mainit na suporta ng fans at viewers sa sitcom na collaboration ng GMA-7 at M-Zet Productions, kung saan trending ang #Open247GrandOpening sa Twitter Philippines.

Top trending din sa naturang social media site ang pangalan ni Miss Maja Salvador na gumaganap bilang kikay girl na si Mikaela.

Sa tweet naman ni Majestic Superstar Maja, taos-puso ang pasasalamat niya sa isang fan na nag-tweet ng photo ng kaniyang lola habang nanonood ng kanilang grand premiere kagabi.

Tuwang-tuwa rin ang ating mga Kapuso sa pagbabalik ng tandem nina Bossing Vic at Jose. Gumaganap ang dalawa bilang half-brothers na sina Boss EZ at Spark.

Agaw atensyon din sa premiere ng Open 24/7 ang mga Sparkle artists na sina Sofia Pablo, Allen Ansay, at Sparkada member Anjay Anson.

Kaya walang a-absent at palaging tumutok sa unli-tawanan at kilig na hatid ng Open 24/7 tuwing Sabado ng gabi, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).

CHECK OUT THESE MOMENTS CAUGHT ON CAM DURING THE OPEN 24/7 MEDIA CONFERENCE: