
Mga hinahangaang OPM stars ang magpapagalingan ngayong Huwebes sa Family Feud.
Ngayong January 22, may head-to-head battle ang alternative pop-rock band na Imago at ang team ng singer-songwriter na si Noel Cabangon.
Ang OPM band na Imago ay nagpasikat noong '90s ng mga kantang “Akap,” “Sundo,” “Taralets,” “Anino,” at “Ewan.” Maglalaro sa team Imago ang lead vocalist na si Kharren Granada, kasama ang lead guitarist na si Tim Gacho, bass guitarist at backing vocals na si Myrene Academia, at ang drummer-percussionist na si Mervin Panganiban.
Makakatapat naman nila ang Team NC ni Noel Cabangon. Si Noel ay isang folk singer-songwriter and guitarist na hinahangaan sa mundo ng OPM. Siya ang nagpasikat ng kantang “Kanlungan," at ibang mga awitin na may temang social commentary, culture, and environmentalism.
Kabilang sa Team NC ang mga kasama niya sa banda. Ang bassist na si Janby Teodoro, drummer na si Allan Abdulla, at ang guitarist na si Chris Buenviaje.
Exciting clash of musical icons ang hatid ng Family Feud ngayong January 22, 5:40 p.m. sa GMA.
Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000!