
Confident na sinabi ng OPM legend at Pop Diva na si Kuh Ledesma sa Fast Talk with Boy Abunda na wala siyang planong mag-retiro bilang singer.
Sa kanyang pagbisita sa nasabing talk show ngayong Biyernes, March 8, masayang nag-reunion si Kuh at ang TV host na si Boy Abunda.
Dito ay nabanggit ni Boy kay Kuh ang umano'y last major concert ng kanilang kaibigan at binansagang “Mr. Pure Energy” na si Gary Valenciano.
Ayon kay Kuh, gaya ng asawa ni Gary ayaw niyang maniwala na ito na ang last concert ng batikang performer.
Aniya, “Hindi naniniwala si Angeli. At least I think I heard that from her. Parang hindi rin ako naniniwala.”
Paliwanag niya, “He's still too young unless it's a health issue. But he doesn't have to say it's his last because he's so close to the Lord that you know, the Lord can renew your strength and all that.”
Mismong si Kuh, ayaw rin umanong mag-retiro dahil naniniwala siyang may paraan upang manatiling malakas at makapag-perform pa nang matagal.
Sabi niya kay Boy, “No. It's not in the bible. Rest in the Lord. Ibig sabihin, magbakasyon ka, read the scriptures, meditate on the promises of God. Take care of your physical health.”
Patuloy na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.