
Nostalgic OPM showdown ang inihanda ng Family Feud ngayong December 10.
Maghaharap sa Family Feud stage ang dalawang iconic acts noong '90s, ang rockers and power balladeers na J Brothers at Team Abalos.
Ang J Brothers ay ang OPM band na nabuo noong 1996 at nakilala bilang Gold and Platinum awardee ng BMG- Sony Music Philippines. Sila ay may hit songs na “Pasaway” (2004) at “Sana'y Bigyan Mo ng Pansin” (2003). Samantala, nakilala rin ang J Brothers bilang comic illustration artists sa storybooks ng The Fantastic Four and X-Men.
Maglalaro sa team na J Brothers ang singer-composer-producer na si Jay Jimenez, ang kaniyang kapatid at fellow illustrator na si Jim Jimenez, ang kanilang bassist at backup vocalist na si Roy Devarras, at ang drummer at sound engineer na si Aljames Gaureno.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Magpapakita ng husay sa Family Feud stage at tatayong leader ng Team Abalos ang padre de pamilya, platinum record awardee, record producer, composer, music arranger, at ang boses ng hit song na “Larawang Kupas” na si Jerome Abalos.
Makakasama niya sa Team Abalos ang kaniyang mga anak sa current band na Solabros.com. Ang keyboardist and first-born na si Sean Francis Abalos, ang second child at guitarist na si Zachary Jeymz Abalos, at ang bassist na si Shawn Andrew Abalos.
Tapatan ng legends of the '90s ang masasaksihan kaya tutok na sa Family Feud ngayong December 5, 5:40 p.m. sa GMA.
Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000! Panoorin ito para malaman kung paano makakasali sa Guess More, Win More promo: