GMA Logo sexbomb girls
Photo Source: rochellepangilinan (Instagram)
Celebrity Life

Orig SexBomb girls, muling nagsama-sama

By Jansen Ramos
Published December 10, 2023 3:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

For those entering the New Year tired – but still hopeful
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

sexbomb girls


Nagkaroon ng Christmas party ang ilang orihinal na miyembro ng SexBomb girls noong Sabado, December 9.

Muling nagsama-sama ang ilang original SexBomb girls matapos magkaroon ng get-together noong nakaraang buwan.

Sa Instagram post ng dating SexBomb leader na si Rochelle Pangilinan noong Sabado, December 9, nagkaroon sila ng Christmas party na dinaluhan nina Sunshine Garcia, Jopay Paguia, Cheche Tolentino, Sandy Tolentino, Mia Pangyarihan, Mae Acosta, Aifha Medina, Grace Nera, Monique Icban, Mhyca Bautista, at ng SexBomb manager na si Joy Cancio.

"Hindi kami titigel!

"Merry Christmas everyone!," sulat ni Rochelle.

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan)

Sa sumunod niyang post, mapapanood ang competitive nilang paglalaro ng bato-bato pick bilang Christmas game.

Ayon kay Rochelle, "Ganito talaga kmi,away bati, naka karir sa lahat ng bagay

"Kahit maglalaro lang parang 1M ang mapapanalunan."

Napa-senti mode naman ang dancer/actress dahil sa masaya nilang muling pagkikita-kita.

Dugtong niya, "Ang sarap bumalik sa pagkabata yung naglalaro ka lang at sumasayaw kasama nila.

"Walang ibang problema.

"Pero pagdating sa sayawan tahimik pala kami.

"Kasi nandun ang disiplina ng katawan sa ritmo at isa lang din ang kumpas ng kamay. Ang saya lang.

"Sana maulit ito. Hanggang sa pagtanda!

"Cheers Sex bomb girls!

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan)

Early 2000 nang maging household name sa bansa ang all-female dancing group na SexBomb nang maging parte ng noontime show na Eat Bulaga!

Bukod sa pagsasayaw, naging recording artists din sila nang i-release nila ang kanilang unang album na 'Unang Putok' kung saan kabilang hit song nilang "Bakit Papa?"

Pinasok din nila ang pag-arte at nagkaroon pa ng drama anthology tuwing hapon na Daisy Siete na umere sa GMA mula 2003 hanggang 2010.

Sa ngayon, karamihan sa mga orihinal na miyembro ng SexBomb girls ay mga mommy na tulad nina Rochelle, Jopay, at Sunshine.

KILALANIN ANG KANILANG ADORABLE KIDS SA GALLERY NA ITO.