
Nagulat ang Filipino folk pop/pop rock band na Ben&Ben nang biglang sabihin ng Oscar- and Grammy-winning Filipino-American singer-songwriter na si H.E.R. na gusto niyang makipag-collaborate.
Nagkaroon ng pagkakataon ang Ben&Ben at si H.E.R. na makapag-usap kung saan na-starstruck ang Filipino-American singer.
"Sorry, we are just so starstruck right now," saad ni Miguel, isa sa lead vocalists ng banda.
Nagulat naman ang banda nang biglang sinabi ni H.E.R. na gusto niyang magkipag-collaborate sa Ben&Ben.
Saad ni H.E.R., "I'm so happy to be speaking with you guys. We gotta collaborate on something, I gonna hear some music."
Dahil sa sinabi ni H.E.R., napa-'OMG' na lang ang banda.
Dagdag naman ni Miguel kay Nelson Canlas, dream come true kung mangyari ang collaboration nila.
"Kung matuloy siya someday, it would be a dream pero just being able to talk to her, and get to know her sobrang surreal na non."
Panoorin ang buong report ni Nelson sa 24 Oras sa video sa itaas. Kung hindi naglo-load ang video, pumunta DITO .
Bukod kay H.E.R., maraming Korean idols ang napahanga ng Ben&Ben dahil sa kanilang galing.
Kilalanin sila DITO: