
Marami ang tuwang-tuwa sa bagong hosts ng Sarap, 'Di Ba? na sina Mavy at Cassy Legaspi kasama ang kanilang mommy Carmina Villarroel.
Game na game ang dalawang bagets sa mga challenges ng bagong show, pero tutok pa rin ang twins sa kanilang 18th birthday ngayong January 6.
Ani Mavy, mas gusto niyang magkaroon ng mala-Cinderella moment ang kapatid na si Cassy sa kanilang 18th birthday.
“Gusto kong ibigay 'yung day sa kaniya as a debut, para naman ma-feel niya na 'Shucks, debut ko!'"
Si Cassy naman, ayaw bumukod ng party sa kaniyang kambal.
Aniya, “Gusto ko 18th birthday party kasi, we're twins. We should celebrate it, I don't want a separate celebration.”
Gayun pa man, may kakaibang theme daw ang kanilang upcoming birthday party.
Kuwento ni Mavy, “Parang Oscars 'yung theme, parang awards night. So may mga red carpet.”
Bukod sa pamilya, invited din ang kanilang malalapit na kaibigan sa showbiz. Lalo na ang mga kasamahan sa weekend variety show na Studio 7.
Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News