Celebrity Life

#Ouch: Regine Velasquez-Alcasid pulls Nate's loose tooth

By Bianca Geli
Published September 21, 2018 3:00 PM PHT
Updated September 21, 2018 4:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Emilia Clarke gets surprise visit from Jason Momoa in New York
At least 30 houses along creek in Bacolod City demolished
Khalil Ramos is on the digital cover of a men's fashion magazine

Article Inside Page


Showbiz News



Ingat na ingat ang singer-host na si Regine Velasquez-Alcasid sa pagtanggal ng ngipin ng anak na si Nate Alcasid. Panoorin ang video.

Ingat na ingat ang singer-host na si Regine Velasquez-Alcasid sa pagtanggal ng ngipin ng anak na si Nate Alcasid.

Sa isang Instagram video, mapapanood si Regine na nilalagyan ng sinulid ang ngipin ni Nate at naghahandang hilahin ito. Aniya, “Nagmahal, umuga, nabungi."

Nag mahal umuga nabungi #dahilsapagibignagpabungi 😂 #bunginasiBoo #Boongi

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid) on

Napa-react ang ilang netizens at showbiz friends ni Regine sa video tulad ng singer na si Kyla na naalala ang kaniyang sariling karanasan sa pagbunot ng ngipin. Aniya, “Aray ko po. Ganyan din ginawa sa akin ng lolo ko. Hindi ba parang nakakangilo magbunot, Ate? Hehehe.”

Napahanga naman si Vina Morales sa katapangan ni Nate. Comment ni Vina, “Hahahahaha nateeeeeeeeeeee brave boy.”

Naging successful naman ang pagbunot ni Regine, at all-smiles pa rin ang anak na si Nate na lalong naging cute dahil sa nabungi na ngipin.