GMA Logo Liza Diño-Seguerra, Tirso Cruz III
Source: lizadino, tirsocruziii (Instagram)
What's Hot

Outgoing FDCP Chair Liza Diño-Seguerra, tanggap ang pagpalit sa kanya ni Tirso Cruz III

By Jimboy Napoles
Published July 6, 2022 2:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Liza Diño-Seguerra, Tirso Cruz III


Liza Diño- Seguerra sa bagong FDCP chairman: "We will welcome him pagdating na pagdating niya rito."

Nagpapasalamat ang aktres na si Liza Diño-Seguerra sa lahat ng mga sumuporta at naging bahagi ng kanyang pamumuno bilang Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairman sa loob ng anim na taon.

Kahapon, July 5, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr., ang oath taking ceremony sa mga bagong pinuno ng ilang mga ahensya ng pamahalaan na makakasama niya sa kanyang termino.

Kabilang sa mga dumalo dito ay ang batikang aktor na si Tirso Cruz III na siyang papalit kay Liza bilang bagong chief executive officer ng FDCP.

Sa isang Facebook video, sinabi ni Liza na tanggap niya ang naging desisyon ng pamahalaan na magkaroon ng bagong mamumuno sa nasabing ahensya.

Aniya, "While we haven't received any official communication from the Office of the President that we are preparing for a smooth process sa transition and turnover ng FDCP to our new chair, we will welcome him pagdating na pagdating niya rito."

Nagbigay rin ng mensahe si Liza sa lahat ng naging bahagi ng kanyang pamumuno bilang FDCP chairman.

"I just want to take this opportunity to thank everyone sa lahat ng suporta niyo, sa lahat po ng messages ninyo, thank you so much for your love and support," mensahe ni Liza.

Samantala, silipin ang ilang sweet photos ni Liza at ng kanyang asawa na si Ice Seguerra sa gallery na ito: