
Wala nang taguan ng feelings! Nagkaaminan na ng kanilang tunay na nararamdaman sina Sensen (Lovi Poe) at Doc Migs (Benjamin Alves) sa Kapuso rom-com series na Owe My Love!
Nitong Lunes, March 29, ang kinikimkim na feelings ni Doc Migs para kay Sensen, nauwi sa kanilang first kiss:
Sa episode nitong Martes, March 30, nagkaaminan na sina Sensen at Doc Migs nang kanilang tunay na nararamdaman para sa isa't isa:
Sa episode nitong Miyerkules, March 31, ipinakita ang pinag-uugatan ng commitment issues ni Doc Migs. Dahil ba dito kaya hindi niya malagyan ng label ang kanyang relationship kay Sensen?
Puwede nga bang pambayad utang ang pag-ibig? Alamin 'yan sa patuloy na panonood sa Owe My Love, Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. sa GMA!
Samantala, kilalanin ang mga bida ng Owe My Love sa gallery sa ibaba: