
Mga eksenang napuno ng tamis at pati na karagdagang pasakit ang natunghayan sa kuwento ni Sensen (Lovi Poe) at Pamilya Guipit sa Kapuso rom-com series na Owe My Love.
Nitong Lunes, March 1, good news muna dahil mag-jowa na sina Jennie Rose (Jelai Andres) at Eddie (Jon Gutierrez):
Sa episode nitong Martes, March 2, nadurog naman ang puso ni Sensen nang mahuli niya ang kanyang amang si Tatay Oryo (Mike “Pekto” Nacua) na ipinangsasabong lang pala ang perang pinaghihirapan niya:
Sa episode nitong Miyerkules, March 3, ipinakitang dahil sa kagipitan ay tila makikipagkasundo si Sensen kay Trixie (Winwyn Marquez):
Sa episode nitong Huwebes, March 4, may bago nang trabaho si Tatay Oryo ngunit sa kasamaang-palad ay nadisgrasya naman ito:
At sa episode nitong Biyernes, March 5, habang nagkakalapit sina Sensen at Doc Migs (Benjamin Alves), patuloy pa rin ang pagdami ng problema ng pamilya Guipit. Pinagbintangan kasi si Nanay Coring (Ruby Rodriguez) na kasabwat sa nangyaring pangho-holdap sa Pawn Pagong at dinala siya sa presinto:
Puwede nga bang pambayad utang ang pag-ibig? Alamin 'yan sa patuloy na panonood sa Owe My Love tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:35 P.M. sa GMA!
Samantala, kilalanin ang mga bida ng Owe My Love sa gallery sa ibaba: