What's on TV

'Owe My Love' highlights: Lumalalim na relationship nina Sensen at Doc Migs

By Cherry Sun
Published March 23, 2021 6:54 PM PHT
Updated March 24, 2021 11:18 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Sofia Pablo, Allen Ansay, Shuvee Etrata, more stars grace 'Huwag Kang Titingin' premiere night
Komosyon, nagluntad sa tunga sang mga bolantero kag clearing team sang LGU | One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

Doc Migs and Sensen


Patuloy ang pagpapakilig nina Sensen at Doc Migs sa ika-limang linggo ng 'Owe My Love!'

Palalim na ng palalim ang samahan nina Sensen (Lovi Poe) at Doc Migs (Benjamin Alves) sa Kapuso rom-com series na Owe My Love.

Doc Migs and Sensen

Nitong Lunes, March 15, namumuo ang tensyon sa pagitan nina Sensen at Doc Migs sa kanilang paghahanap kay Lolo Badong (Leo Martinez):

Sa episode nitong Martes, March 16, dahil desperado na sila sa paghahanap, lumapit na sila sa isang manghuhula. Maliban sa natukoy ang kinapaparoonan ni Lolo Badong, nabuking din ang feelings nina Sensen at Doc Migs para sa isa't isa:

Sa episode nitong Miyerkules, March 17, dahil hindi makatulog ay nagkaroon ng pagkakataong mag-heart to heart talk sina Sensen at Doc Migs:

Sa episode nitong Huwebes, March 18, ipinakitang kung nagkakamabutihan ang #SenMig, tila nagkakalabuan naman sina Jenny Rose (Jelai Andres) at Eddie (Jon Gutierrez):

At sa episode nitong Biyernes, March 19, patuloy sina Divina (Jackie Lou Blanco) at Mini Divi sa pagpaplano ng masama kay Lolo Badong. Nabisto nga ba ni Doc Migs ang kanilang evil plan?

Puwede nga bang pambayad utang ang pag-ibig? Alamin 'yan sa patuloy na panonood sa Owe My Love tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:35 P.M. sa GMA!

Samantala, kilalanin ang mga bida ng Owe My Love sa gallery sa ibaba: