
Tila walang katapusan ang problema ni Sensen (Lovi Poe) sa Kapuso rom-com series na Owe My Love.
Nitong Lunes, March 8, devil-na mode on talaga si Divina Advincula (Jackie Lou Blanco). Matapos kasing pagsuspetsahan si Nanay Coring (Ruby Rodriguez) sa pagnanakaw sa Pawn Pagong ay pinagbintangan naman niya si Sensen bilang responsable sa aksidente ni Lolo Badong (Leo Martinez):
Sa episode nitong Martes, March 9, nakahanap ng karamay si Sensen sa kanyang childhood bestfriend na si Richard (Jason Francisco). Hanggang friendzone nalang kaya talaga ang binata?
Sa episode nitong Miyerkules, March 10, ipinakita ni Sensen na gagawin niya ang lahat para sa kanyang pamilya, pati na ang lumuhod at magmakaawa kay Divina upang iurong ang kasong isinampa kay Nanay Coring:
Sa episode nitong Huwebes, March 11, nagdesisyon na si Sensen na sabihin ang totoo kay Lolo Badong. Dito na rin ba magtatapos ang pagsasama nila ni Doc Migs (Benjamin Alves)?
At sa episode nitong Biyernes, March 12, nawawala ulit si Lolo Badong. Dahil nga ba ito sa kapabayaan ni Sensen?
Puwede nga bang pambayad utang ang pag-ibig? Alamin 'yan sa patuloy na panonood sa Owe My Love tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:35 P.M. sa GMA!
Samantala, kilalanin ang mga bida ng Owe My Love sa gallery sa ibaba: