
"Hindi na ako natsa-challenge (laughs). Basta't ang nasa isip ko, I'll do my best." - Nova Villa

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
First time na makakatrabaho ni Ms. Nova Villa sina Yasmien Kurdi at Mark Herras sa upcoming Afternoon Prime series na Sa Piling Ni Nanay. Nakasama naman niya dati si Katrina Halili sa teleseryeng My Beloved, kung saan una niya ring nakatrabaho si Alden Richards.
READ: Nova Villa recalls telling Alden Richards, "Mabibigla ka na lang sa itatakbo ng iyong career"
Kahit unang beses niyang makakaeksena ang dalawang StarStruck graduates, hindi raw ito challenge para sa veteran actress.
"Hindi na ako natsa-challenge (laughs). Basta't ang nasa isip ko, I'll do my best. Gagampanan ko ang aking character. Ganun ako, sila din, ganun ang acting nila. At siyempre sa tagal natin sa showbiz, alam ko nang laruin lahat 'yang mga ganyan," pahayag niya sa isang exclusive interview with GMANetwork.com.
Dahil isang heavy drama ang naturang programa, hindi raw maiwasan ni Ms. Nova ang makaramdam ng nerbiyos. Mas nahasa kasi siya sa comedy, lalo na't kasama rin siya sa cast ng Pepito Manaloto.
READ: Nova Villa on working with Michael V: "He always makes us laugh"
?"Dito nininerbiyos ako because ang story madrama talaga. At least, noon sa mga iba kong soap, parang dramedy. Ito mukhang serious eh, lalo na that the story itself is drama. Paano ka naman magko-comedy doon?"
Dagdag pa niya, "Kaya medyo kinakabahan ako dahil hindi naman talaga ako dramatista. Pero awa ng Diyos, natututunan ko rin naman na mag-drama."
MORE ON 'SA PILING NI NANAY':
EXCLUSIVE: Yasmien Kurdi, confident na hindi magseselos si Ayesha kay Sofia Catabay
LOOK: The cast of 'Sa Piling Ni Nanay'