
Pinainit ni Kapuso hunk Ruru Madrid ang huling gabi ng Pebrero matapos itong mag-post sa Instagram ng isang photo na kuha sa shower scene ng primetime series na Sherlock, Jr.
#BuffPaMore: Ruru Madrid's jaw dropping transformation from payatot to hottie!
Makikita sa IG account ng hunky actor ang kanyang topless photo with the cute dog Serena. Umani ng mahigit sa 30,000 likes sa image-sharing platform ang hot photo ni Ruru.
Sunod-sunod din ang comments ng Kapuso netizens patungkol sa viral photo ng guwapong aktor.
Napapanatili ni Ruru Madrid ang maganda niyang pangangatawanan dahil sa pagiging aktibo nito sa gym.
Huwag papahuli sa mga inaabangan eksena sa Kapuso Primetime series na Sherlock, Jr. gabi-gabi sa GMA Telebabad.