What's Hot

Oyo Sotto, nilinaw ang pagkatao ng anak na si Kiel

By Cherry Sun
Published October 29, 2018 1:13 PM PHT
Updated October 29, 2018 1:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Beauty Gonzalez, sinabing very supportive sa kaniyang career ang mister na si Norman
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News



Minarapat ni Oyo Sotto na linawin sa isang netizen ang pagkatao ng kanilang anak ni Kristine Hermosa na si Kiel.

Minarapat ni Oyo Sotto na linawin sa isang netizen ang pagkatao ng kanilang anak ni Kristine Hermosa na si Kiel.

IN PHOTOS: The adorable kids of Oyo Sotto and Kristine Hermosa

Nitong nakaraang weekend, sumali sa isang motocross race sina Kiel at ang kapatid nitong si Ondrea. Kasama nila ang kanilang ama na very proud sa kanilang achievement.

Congratulations to the both of you, Kiel and Ondrea!😍 so proud of you!😊 Thank you Lord for keeping them safe🙏🏼

A post shared by Oyo Sotto (@osotto) on

Ngunit sa kabila ng kanilang kasiyahan, isang netizen ang nagkamali tungkol sa identity ng lalaking anak nina Oyo at Kristine.

Ayon sa binura nang komento ng netizen na may handle na @angprobinsyananghilaw, “So proud of you @osotto kahit na anak ni Kiel sa ibang lalaki ni Kristine, tinuring mo pa rin siyang own flesh and blood mo. Bihira sa ibang lalaki ang ganito.”

Naging mahinahon naman ang sagot ng aktor.

Paglinaw niya, “Hindi siya anak sa ibang lalaki. Kiel is our adopted son.”