GMA Logo Yumi X VXON
source: 24 Oras Weekend
What's on TV

P-pop boy group na VXON, mapapanood sa 'Born to Shine'

By Kristian Eric Javier
Published June 15, 2026 1:21 PM PHT
Updated June 15, 2026 1:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OCD: No signs of life detected among 36 missing in Mindanao earthquake
P3M alleged unregistered palm, coconut oil seized in Davao City
Fuel surcharge lowered for June 16 to 30

Article Inside Page


Showbiz News

Yumi X VXON


Pagkatapos magpakitang gilas sa kantahan, ipapamalas naman ng VXON ang galing nila sa aktingan sa 'Born to Shine.'

Sasabak na rin sa aktingan ang P-pop group na VXON sa GMA Afternoon Prime musical drama series na Born to Shine. Binubuo ang tinaguriang “Monsters of P-Pop” nina C13, Sam, Franz, Vince, at Patrick.

"Sobrang saya po ng experience, maraming salamat kay Direk Rod (Marmol) for having us here. Sobrang inalagaan niya po kami," sabi ni C13 sa panayam ni Athena Imperial para sa 24 Oras Weekend.

Dagdag pa ni C13, ang ma-perform ang kanilang awitin sa naturang serye ay malaking tulong na para mas ma-promote pa ang kanilang grupo at musika.

Pagbabahagi naman ni Patrick Rocamora, ito ang kauna-unahang proyekto na sasabak sila sa aktingan bilang isang grupo at magkakasama.

Ilang beses na rin nakasama ng VXON ang lead star ng serye na si Zephanie sa tours at shows. Bukod pa rito, nagkasama na rin sila nang kantahin nila ang theme song ng Luv Is. Kaya naman parang reunion na rin nila ang pagbisita sa naturang serye ayon kay Franz Chua.

"Mas comfortable at saka at home lang talaga kami," sabi ni Franz.

Inamin din ng grupo kung papaano sila na-starstruck kay singer-actress Vina Morales.

"Napakinggan namin siya, live, kumakanta. Dati, sa TV lang, e," pagbabahagi ni Patrick.

MAS KILALANIN PA ANG MIYEMBRO NG VXON NA SI PATRICK SA GALLERY NA ITO:

Ito na nag pangalawang grupo na mapapanood sa naturang serye pagkatapos ng collaboration ng YUMI at ng BGYO.

Umiikot ang kuwento ng Born to Shine sa buhay ni Jeni, na ginagampanan ni Zephanie, at kung papaano niya tutuparin ang kaniyang mga pangarap bilang singer. Isa nga rito ay ang maging parte ng isang P-pop girl group na YUMI, kasama sina Olive May, Naya Ambi, Mitzi Josh, at Gaea Mischa.

Sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda noong Huwebes, June 11, ipinahayag ng grupo kung gaano nila kagustong maka-collaborate pa ng iba pang P-pop groups katulad ng BGYO at VXON.

Panoorin ang panayam sa VXON dito: