GMA Logo the clash top 30 second batch
What's on TV

P-Pop member, ex-'Eat Bulaga' contestant, pageant winner among the third batch of contenders in 'The Clash 2023' top 30

By Jansen Ramos
Published December 23, 2022 2:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Saudi King Salman leaves hospital after medical tests
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

the clash top 30 second batch


Sa latest and third batch ng top 30 contestants ng 'The Clash 2023,' ilan dito ay may experience na sa pagsali sa mga TV singing competition, sa entertainment, at maging sa pageantry.

Interesting ang mga contestant sa The Clash 2023 kaya naman kaabang-abang ang bagong season ng GMA musical competition.

Sa latest and third batch ng top 30 contestants na ini-release ng programa, ilan dito ay may experience na sa pagsali sa mga TV singing competition, sa entertainment, at maging sa pageantry.

Gaya na lang ng 17-year-old mula Cavite na si Clar Wepingco. Walong taong gulang si Clar nang napanood siya sa Eat Bulaga nang sumali siya sa singing contest ng noontime show na 'Lola's Playlist: Beat The Champion' noong 2016.

Pasok din sa listahan ng top 30 ng The Clash 2023 ang P-Pop member na si Zyrene Ciervo. Parte siya ng all-girl group na SMS, na nagpe-perform sa isang theme park sa Laguna.

Hindi naman sumusuko para sa kanilang mga pangarap ang mga beteranong kontesero na sina Mark Avila at Jerome Granada.

Si Mark, 28 years old tubong Naga, ay itinanghal na Gentleman of the World noong 2019. Sumali na rin siya sa iba't ibang singing competition sa kabilang istasyon.

Gaya ni Mark, madalas ding mapanood si Jerome, 28 ng Tarlac, sa mga TV singing contest.

Makakatungtong din sa Clash arena ang 19-year-old na si Lara Bernardo ng Marikina.

Manatiling bumisita sa GMANetwork.com/TheClash kung sinu-sino pa ang pasok sa top 30 ng The Clash 2023.

Para sa iba pang updates tungkol sa Kapuso reality talent competition show, pumunta lang sa offiicial Facebook, Twitter, TikTok, at YouTube pages ng The Clash.

SAMANTALA, BAGO PA MAGSIMULA ANG BAGONG SEASON NG THE CLASH, BALIKAN ANG MUSICAL JOURNEY NG REIGNING CHAMP NA SI MARIANE OSABEL SA GALLERY NA ITO: