GMA Logo MNL48 and YGIG in Family Feud
What's on TV

P-Pop showdown ng MNL48 at YGIG, mapapanood sa Family Feud

By Maine Aquino
Published November 11, 2025 12:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope Leo, on Christmas Eve, says denying help to poor is rejecting God
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

MNL48 and YGIG in Family Feud


Exciting na tapatan ng P-Pop groups sa Family Feud stage ang mapapanood ngayong November 11!

Maghanda na para sa exciting P-Pop showdown na inihanda ng Family Feud!

Ngayong November 11, dalawa sa hinahangaang idol groups sa bansa na MNL48 at YGIG ang maghaharap sa Family Feud stage. Pero bago ang pagalingan sa pagsagot ng top answers, ipakikita muna nila sa studio audience ang kanilang signature moves, vocals, at undeniable stage presence.

Ang MNL 48 ay isa sa mga "OG" girl groups sa bansa. Maglalaro ngayong Martes ang team captain mula sa first generation na si MNL48 Dana, Kasama niya sina 2nd generation MNL48 Jamie, 3rd generation MNL48 Rhea, at 3rd generation MNL48 Rachel.

Ang "YGIG" or "You go, I go" naman ay closely-knit 4-member girl group. Magpapakita ng husay sa Family Feud sina Vien Corpuz from Malabon, Hazel Dequit from Pampanga, Jewel Anacay from San Diego, California, at Maeg Medina from Las Piñas.

Kasama rin nila sa studio ang iba pang members ng MNL48. Present din sa Family Feud ang fandoms ng dalawang group na MNLoves at WeGo.

Makisaya at makihula sa mga P-Pop stars na maglalaro sa Family Feud ngayong November 11, 5:40 p.m. sa GMA.

Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000! Panoorin ito para malaman kung paano makakasali sa Guess More, Win More promo: