GMA Logo born to shine ppop in family feud
What's on TV

P-Pop showdown ng Yumi at Nixi ng 'Born to Shine,' mapapanood sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published July 10, 2026 12:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wimbledon: Arthur Fery seeks birthday date with destiny as Novak Djokovic eyes more history
Effects of Kanlaon eruption persist in Cebu the day after
Celebrate National Fries Day with this special 'buy 1, free 1' promo

Article Inside Page


Showbiz News

born to shine ppop in family feud


Abangan ang mga P-Pop stars ng 'Born to Shine' sa 'Family Feud' ngayong July 10!

Ready na ba ang lahat para sa isang exciting na P-Pop Friday episode ng Family Feud?

Mas magiging mainit ang kompetisyon ngayong July 10 sa Family Feud dahil haharap sa survey board ang dalawang paboritong P-Pop girl groups mula sa hit afternoon prime musical drama na Born to Shine!

Bago magsimula ang tapatan sa Family Feud stage, magbibigay muna ng special performances ang Team Yumi at Team Nixi, tampok ang ilan sa kanilang mga original songs mula sa Born to Shine.

Unang sasabak ang Team Yumi, ang beloved, chart-topping girls na kilala sa kanilang mga hit songs na "This Is Our Time" at "Aking Liwanag." Binubuo ito nina Zephanie bilang Jeni, ang determined leader ng grupo, Olive May bilang Megan, Mitzi Josh bilang Yuna, at Gaea Mischa bilang Nancy.

Makakaharap nila ang kanilang matinding karibal sa serye, ang fierce at stunning na Nixi. Tampok dito sina Chloe Redondo bilang Gabby Rosales, Angelika Santiago bilang Rami Chavez, Aaliyah De Gracia bilang Tiffany Santos, at Jane Mounter bilang Dani.

Tutok na sa ultimate P-Pop showdown sa fresh episode ng Family Feud ngayong July 10, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.