What's Hot

Pa-siyam ni Kuya Germs, dinaluhan ng mga kaanak at kaibigan

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 20, 2020 3:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Commissioner Rossana Fajardo, nagbitiw sa ICI
Weak ash emission on Mt. Kanlaon generates 400-m plumes
Roxie Smith's dreamy photos in Switzerland

Article Inside Page


Showbiz News



Pinangunahan ito ng Vera Perez family at ginanap sa Sampaguita Gardens. 


By AL KENDRICK NOGUERA

Siyam na araw matapos bawiin ang buhay ni Kuya Germs ay nagtipon-tipon ang mga kaanak at kaibigan ng Master Showman sa isang misa na ginanap kahapon sa Sampaguita Gardens.

READ: Sharon Cuneta, Vilma Santos at Alden Richards, puno ng paghanga kay Kuya Germs

Ayon sa ulat ng GMA News, kumpleto sa okasyon ang pamilya ng anak ni Kuya Germs na sa Frederico Moreno. Naroon din ang mga hipag ni Frederico na sina Vina Morales at Shaina Magdayao.

Dumalo rin ang mga kaibigan at katrabaho ni Kuya Germs sa Sampaguita Pictures na pinangungunahan ng Vera Perez family at Manay Ichu Maceda.

Ilang malalapit na kaibigan din ang nakaalala kay Kuya Germs tulad nina Gloria Romero, Nova Villa, Luz Valdez, Boots Anson Roa, Tito Sotto, at Helen Gamboa.

READ: Nora Aunor on Kuya Germs: "Gusto ko po ako ang magpatuloy ng show n'ya"

Bukod sa kanila, naroon din ang ilang GMA Network Excutives tulad ng Executive Committee Vice Chairman ng Kapuso network na si Joel Jimenez.

Labis naman ang pasasalamat ni Frederico sa suportang ibinibigay ng mga tao sa kanilang pamilya. "We're overwhelmed with the love that everybody has been showing not to just to my Papa but to my family," saad niya.